Condo
suicideking
Part 10 Group Date
Bago sumapit ang hapon ay dinala ko ang aking anak sa bahay nila byenan. Nagtext kasi
ito at humiling na hiramin daw muna nila ang kanilang apo. Pagkatapos ay tumulak na
ako sa hospital kung saan susunduin ko ang aking asawa. Sumama din ang aking hipag.
Habang nasa kotse ay parang kami ang magkasintahan. Di ko mapigilan si Kat sa
paglambing sa akin. Pinabayaan ko na lamang sya sa ginagawa dahil alam kong masaya din
sya noong araw na iyon. Di ko naiwasang maitanong kung nanliligaw pa rin ba yung
lalaking nakita ko dati.
"si kuya oh, nagseselos..hihihi" wika ng aking hipag.