Condo
suicideking
Part 47 The Promise
Dahil sa sipag at swerte na rin sa trabaho ay napagdesisyunan na rin namin ni misis na bilhin na rin ang katabi naming unit. Bubutasin ang gitnang pader, para lumaki ang aming unit. Sinabihan ko din siyang bumili na lamang ng isang townhouse na uso ngayon sa manila kung saan pwede naming paupahan. Pero siya'y tumanggi dahil mas mahal ang ganoong bahay kumpara sa condo na maliit.