Condo
suicideking
Part 19 Ilatag na ang Baraha
Tuluyan na ngang nadala kami ng sitwasyon ni Carina, napayakap ako sa kanya habang
naghahalikan kami. Sa di inaasahang pagkakataon ay tumunog ang aking CP. "langya naman
o, ngayon pa??" sabi ko sa isip ko.
Nagkalas ang aming mga labi, napasandal muli si Carina sa upuan ng kotse at parang
natulala. Nang silipin ko kung sino ang nagtext sa akin ay parang nainis ako sa
nakita. Isang advertisement lamang ito ng network. Napabugtong hininga ako at hindi
naman din tinanong ni Carina kung ano or sino ito.